Robredo: Trabaho muna kaysa posibleng pagtakbong pangulo sa 2022

By Len Montaño February 18, 2019 - 11:46 PM

Ayaw munang isipin ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbong Presidente sa 2022 elections bagkus ay naka-focus umano ito sa kanyang mga proyekto bilang Pangalawang Pangulo.

Pahayag ito ni Robredo sa gitna ng ispekulasyon ng posibleng paghaharap nila ni presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte.

Unang sinabi ni Inday Sara na sa January 2021 ay magdedesisyon siya kung tatakbo siyang Pangulo.

Nainiwala si Robredo na destiny o tadhana ang pagiging pangulo at hindi ito mapaghahandaan.

Paliwanag ng opisyal, kapag para sa isang tao ay magiging kanya ang presidency pero kapag hindi naman para sa isang tao, kahit anong gawin ay hindi ito ibibigay sa kanya.

Dagdag ni Robredo, sa ngayon ay ayaw niyang isipin ang pagkandidato bilang presidente dahil marami pa siyang trabaho bilang bise presidente.

TAGS: 2022 Presidential elections, Davao City Mayor Sara Duterte, destiny, tadhana, Vice President Leni Robredo, 2022 Presidential elections, Davao City Mayor Sara Duterte, destiny, tadhana, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.