Obama at Hollande nagpulong sa White House
Kasunod ng serye ng pag-atake ng mga terorista, nagpulong sa White House sina US President Barack Obama at French President Francois Hollande.
Matapos ang pagpupulong sabay na humarap sa media sina Obama at Hollande.
Ayon kay Obama nagkakaisa ang US at France sa paglaban sa Islamic State militants matapos ang Nov. 13 attacks sa Paris.
Nagkasundo ang dalawang bansa na mas paiigtingin pa ang ginagawang hakbang para labanan ang terorismo. “The United States and France stand united, in total solidarity, to deliver justice to these terrorists … and to defend our nations,” ayon kay Obama.
Sa kaniyang pahayag, sinabi naman ni Hollande na partikular na napagkasunduan ang mas matinding mga pag-atake sa Syria at Iraq, target ang Islamic State.
Matapos ang pulong kay Obama, sunod na kakausapin ni Hollande si German Chancellor Angela Merkel ngayong araw, si Russian President Vladimir Putin sa Huwebes at si Chinese President Xi Jinping sa Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.