Sara Duterte kumambyo, magdedesisyon sa 2021 kung tatakbo o hindi bilang pangulo

By Angellic Jordan February 18, 2019 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Nagtakda ng deadline si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte para sa kaniyang desisyon kung tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Sa kampanya ng Hugpong ng Pagbabago ngayong araw sa Ilocos Sur, inilahad ni Mayor Sara na maglalabas siya ng desisyon sa January 2021.

Kailangan aniyang maglaan nang mahabang panahon para mapag-isipang mabuti ang pagtakbo bilang pangulo.

Aniya, kailangan ng sapat na pera, kagamitan at lalo na ang gabay mula sa Panginoon.

Sinabi pa ng nakababatang Duterte na mahirap panindigan ang pagtakbo bilang pangulo kung hindi ito para sa iyo.

Sa ngayon, sinabi ng alkalde na nakatutok siya sa pagtulong sa huling tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa kampanya ng 13 senatorial bets ng kaniyang partido.

Nauna nang sinabi ng nakababatang Duterte na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa 2022.

TAGS: 2022 elections, hugpong ng pagbabago, Ilocos Sur, Sara Duterte, senatorial candidates, 2022 elections, hugpong ng pagbabago, Ilocos Sur, Sara Duterte, senatorial candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.