Alegayson ni Sen. Trillanes na nagpagamot sa HK ang pangulo, tinawag na kabalbalan ng Malakanyang

By Chona Yu February 18, 2019 - 01:35 PM

Wala nang balak ang Palasyo ng Malakanyang na patulan ang alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na nagpagamot si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya nagtungo sa Hong Kong nitong nakaraang weekend.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sanay na ang palasyo sa kabalbalan at kasinungalingan ni Trillanes.

Kaya aniya nagtungo ang pangulo dahil nag request ang anak na si Kitty na magtungo doon at selebreasyon na rin sa birthday ni Ginang Honeylet Avanceña.

Kung sakali man aniyang nagpagamot at pumasok sa ospital ang pangulo sa Hong Kong, tiyak na hindi ito maitatago sa publiko lalo’t maraming Filipino ang nagtatrabaho roon.

Una rito, sinabi ni dating Senador Kit Tatad na may sakit sa kidney at may cancer ang pangulo, bagay na pinabubulaanan ng punong ehekutibo.

TAGS: Radyo Inquirer, Senator Trillanes, Radyo Inquirer, Senator Trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.