3 arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Tondo

By Ricky Brozas February 18, 2019 - 10:53 AM

Naaresto ng mga tauhan ng Station 2 ng Manila Police District (MPD) ang tatlong suspek sa isinagawang Anti-Criminality Campaign sa Chacon St. malapit sa kanto ng Nicolas St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Densing, 43-anyos; Alexander Taccad, 43-anyos; at John Brian Fortades, 18-anyos.

Ayon kay Insp. Robert Dato, Dagupan Outpost Commander nagsagawa sila ng Anti-Criminality Campaign at nakita nila ang mga suspek na may kahina-hinalang kilos.

Nang kanila itong sitahin, nakuhanan sila ng tatlong plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensve Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng MPD laban sa mga suspek.

TAGS: anti-criminality campaign, Radyo Inquirer, Tondo Manila, anti-criminality campaign, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.