Bagyong Marilyn humina, isa na lamang Tropical Storm
Lalo pang humina ang bagyong Marilyn at isa na lamang severe tropical storm ngayon.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa 1,390 km East ng Calayan, Cagayan.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong Northeast sa bilis na 11 kilometers kada oras.
Mapapaaga din ang paglabas ng bansa ng bagyo na posibleng anomang oras ngayong umaga ay wala na sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay PAGASA Forecaster Shelly Ignacio, malaki ang tsansa na lalabas na ng bansa ang bagyong Marilyn bago magtanghali ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.