Mga empleyado ng NFA nagsuot ng itim bilang protesta sa naipasang Rice Tariffication Law
Nagpahayag ng pagtutol ang mga empleyado ng National Food Authority (NFA) sa nilagdaang Rice Tariffication Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong Lunes (Feb. 18) ng umaga pawang nakasuot ng itim ang mga dumalong empleyado ng NFA.
Ayon kay NFA acting administrator Tomas Escarez, ang pagkakapasa ng naturang batas ay ikinalungkot ng milyun-milyong Filipino farmers at ng mga empleyado ng NFA..
Sa kabila nito sinabi ni Escarez na sa IRR o implementing rules and regulations ng naturang batas ay ipaglalaban pa din ng NFA ang karapatan ng mga magsasaka, consumers at mga empleyado ng NFA.
Sinabi rin ni Escarez na anuman ang magiging papel ng NFA sa ilalim ng bagong batas ay tatanggapin nila ito ng buong-puso.
Dumalo din sa flag raising ceremony si Philippine Farmers Advisory Board national chairman Edwin Paraluman.
Ayon kay Paraluman, sa paglagda ni Pangulong Duterte sa Rice Tariffication Bill bilang ganap na batas ay mistulang inabandona na nito ang mga magsasaka sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.