6 arestado sa buy-bust sa Caloocan; 1 menor de edad ang nasagip

By Jong Manlapaz February 18, 2019 - 08:06 AM

Photo from Caloocan police

Arestado ang anim na katao sa ginawang buy-bust operation ng Caloocan police sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Target ng operasyon ang dalawang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga na sina Joyleen Fallorina, alyas Joy, 35 anyos at Fremie Banal, alyas Rose, 39 anyos.

Pero nang dumating sa lugar ang mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation ay nadatnan doon ang mga gumagamit ng ilegal na droga na sina Daniel John Dizon, 25 anyos; Edwin Nubla, 48 anyos, at mag-amang sina Joel Alonzo Sr., 41 anyos at Joel Alonzo Jr., 21 anyos.

Isang menor de edad naman ang nadatnan din sa lugar na agad dinala sa Department of Social Welfare ang Development (DSWD).

4 sa mga suspek ay nakuhaan ng ilang sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu.

TAGS: buy bust operation, six arrested in Caloocan, War on drugs, buy bust operation, six arrested in Caloocan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.