WATCH: Pinoy nurse sa Dublin nakakuha ng standing ovation sa Ireland’s Got Talent

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2019 - 07:51 AM

Grab from Ireland Got’s Talent

Isang Filipino nurse sa Dublin ang tumanggap ng standing ovation mula sa mga judge at audience ng “Ireland Got’s Talent”.

Inawit ng Pinoy na si Rodelle Borja ang kaniyang sariling rendisyon ng “Can’t Help Falling in Love” ni Elvis Presley.

Sa panayam kay Borja sa backstage, siya ay mahiyain ay hirap i-express ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsasalita dahil siya ay isang “stutterer”.

Mas madali umano sa kaniya na i-express ang sarili sa pamamagitan ng pag-awit.

Ang 29-anyos na si Borja ay naka-base sa Dublin at nagtatrabaho doon bilang nurse.

Matapos ang kaniyang pag-awit, bumilib ang lahat ng hurado at ang mga manonood ng Ireland Got’s Talent kay Borja.

TAGS: Filipino Nurse in Dublin, Ireland Got's Talent, Rodelle Borja, Filipino Nurse in Dublin, Ireland Got's Talent, Rodelle Borja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.