PUBLIC SERVICE: Water service interruption ng Manila Water ngayong araw, Feb. 18

May water service interruption ngayong araw ang Manila Water sa bahagi ng Pasig City.

Sa abiso ng Manila Water alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay Buting.

Ito ay dahil sa isasagawang pipe maintenance activity sa E. Mendoza Street sa nasabing barangay.

Pinayuhan naman ng Manila Water ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng pagpapatupad ng interruption.

Read more...