19 na Palestinian soldiers at 1 sundalo sugatan sa sagupaan sa Gaza Strip

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2019 - 06:31 AM

Sugatan ang 19 na Palestinian soldiers at isang sundalo mula Israel sa sagupaan na naganap sa sa Gaza Strip.

Ayon sa Israel Defense Forces, isang sundalo nila ang nasugatan nang hagisan ng pampasabog sa kasagsagan ng riot sa Gaza sa border fence ng Israel.

Bilang ganti ginamitan naman ng tanke ng Israel ang dalawang military post ng Hamas sa Gaza.

Nagresulta ito sa pagkakasugat ng 19 na Palestinian soldiers matapos tamaan ng bala ng baril.

Iginiit ng Israel na magpapatuloy ang kanilang pagdepensa sa kanilang border.

Mula noong March 30, 2018, umabot na sa 250 na Palestinians ang nasawi sa isinasagawang tank fire at air strikes ng Israel.

TAGS: Gaza Strip, israel, Pelestine, Gaza Strip, israel, Pelestine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.