Sen. Santiago, di aatras sa presidential race para kay Duterte

By Kathleen Betina Aenlle November 25, 2015 - 04:30 AM

 

Iinquirer file photo

Itinanggi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may balak siyang umatras sa pag-kandidato bilang pangulo sa 2016 elections para bigyang daan ang pag-takbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito kasi ang naging laman ng mga usap-usapan kamakailan lamang makaraang mag-anunsyo si Duterte ng mas determinadong pag-sali sa presidential race.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Santiago na mataas ang tingin niya kay Duterte pero hindi ibig sabihin nito ay aatras na siya sa laban.

Matatandaang bago pa man mag-anunsyo si Santiago ng kaniyang kandidatura ay nabalitang suportado umano niya ang sana’y pag-takbo ni Duterte noon pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.