LOOK: Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol inilunsad ng Pasay City police
Inilunsad ng Pasig City Police Office ang Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol na layong mapaigting ang kampanya laban sa mga riding in tandem.
Aabot sa 900 sibilyan at pulis mula sa iba’t ibang motorcycle riders club ang nakiisa sa kampanya sa paglulunsad ng kampanya.
Ayon kay P/SSupt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig Police, ang Pasig City Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol (PCAMP) ay tugon sa dumaraming krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem sa lungsod at sa iba pang lugar na nasasakupan ng Eastern Police District (EPD).
Hinihikayat naman ng pulisya ang pakikiisa ng mga motorcycle-riding public sa anti-criminality campaign ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay sa pamamagitan ng disiplina sa mga lansangan at pagsunod sa batas trapiko at sa mga ordinansa.
Ang PCAMP ay bukas para sa lahat ng riders club na nais lumahok sa adbokasiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.