M4.6 na lindol yumanig sa Batanes

Tumama ang isang magnitude 4.6 na lindol sa Basco, Batanes kaninang alas-4:36 ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 36 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco.

May lalim itong 156 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Hindi rin inaasahan ang mga kasunod na pagyanig o aftershocks.

Read more...