126 illegal campaign posters binaklas ng Comelec sa Bacolod

By Rhommel Balasbas February 18, 2019 - 02:50 AM

Twitter photo

Tinanggal ng Commission on Elections ang illegal campaign posters na nakapaskil sa Bacolod City, Negros Occidental.

Ayon sa Comelec, sa 126 na campaign materials, 58 ang kay dating Special Assistant to the President at ngayo’y senatorial candidate Christopher ‘Bong’ Go.

Lumalabas din sa ulat ng Comelec na mula Feb.13 hanggang 16, 50 illegal campaign materials ni dating Bureau of Corrections chief Ronald ‘Bato’ de la Rosa ang kanilang tinanggal.

Binaklas din ang apat na campaign materials ni reelectionist Sen. Bam Aquino, habang may tig-dalawa sina Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu at Rafael Alunan.

Sampung campaign posters naman ang tinanggal na mula sa partylist groups – lima mula sa Angkla, apat sa Abang Lingkod at isa ang mula sa PBA1.

Karamihan sa mga illegal campaign materials na ito ay nakapaskil sa mga puno at poster ng kuryente na nasa labas ng common poster areas.

Ang iba naman ay nasa private properties at oversized o malaki ang sukat.

TAGS: commission on elections, illegal campaign posters, May 2019 midterm elections, commission on elections, illegal campaign posters, May 2019 midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.