Mangingisdang nakadiskubre sa bloke ng cocaine sa Camarines Norte pinuri ng PNP

Binigyang papuri ng Philippine National Police (PNP) ang mangingisda na nagreport sa mga awtoridad tungkol sa palutang-lutang na bloke ng cocaine sa baybaying dagat ng Camarines Norte.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, nakilala ang mangingisda na si Norly Laudiana Soriano, 46 anyos.

Si Soriano ang nagturn-over ng bloke ng cocaine sa local police.

Pinuri ni Banac ang kabutihang ginawa ni Soriano at tinawag itong ‘peace loving’ at ‘vigilant’.

Matatandaang noong Biyernes ay isang mangingisda ring si Gonie Curada ang nag-ulat sa mga awtoridad tungkol sa 37 bloke ng cocaine na nagpapalutang-lutang sa karagatan ng Dinagat Islands.

Dahil dito, hinimok ni Banac ang publiko na patuloy na ipagbigay-alam sa pulisya ang mga kahina-hinalang bagay na makikitang palutang-lutang sa dagat.

“We continue to call on all residents of all our coastline communities across the nation including all fishermen and seafarers to remain vigilant and continue reporting to the police suspicious items they may find washed ashore or floating in the sea,” ani Banac.

Giit ng opisyal, ang aktibong partisipasyon ng publiko sa drug war ay patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa pulisya na labanan ang problema sa iligal na droga nang may paggalang sa karapatang pantao.

Read more...