La Salle pinatumba ang Ateneo sa pagbubukas ng UAAP Season 81 volleyball tournament

By Rhommel Balasbas February 18, 2019 - 12:01 AM

Maagang nagpasiklab ang defending champion na De La Salle University sa pagbubukas ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Ito ay matapos talunin ng Lady Spikers ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa kanilang sagupaan kahapon sa iskor na 25-14, 25-17, 16-25, 25-19.

Nais ng La Salle na masungkit ang ikaapat nilang sunod na kampeonato.

Ayon kay La Salle head coach Ramil de Jesus, hindi madaling kalaban ang Ateneo at first game pa lamang ito.

Naging pabor lamang anya siguro ang lahat ng sitwasyon kaya sila ang nanalo.

Pinangunahan ni Desiree Cheng ang Lady Spikers sa kanyang 13 puntos habang nakadagdag naman si Aduke Ogunsanya ng 10 puntos.

Si Kat Tolentino naman ang nanguna para sa Lady Eagles sa kanyang 16 puntos.

TAGS: La Salle versus Ateneo, UAAP, UAAP Season 81 volleyball tournament, La Salle versus Ateneo, UAAP, UAAP Season 81 volleyball tournament

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.