20 bahay tinupok ng apoy sa Talibon, Bohol

By Angellic Jordan February 17, 2019 - 06:36 PM

Hindi bababa sa 20 kabahayan ang tinupok ng apoy sa Talibon, Bohol Linggo ng hapon.

Ayon kay SFO4 Teodorico Auxtero, hepe ng Bureu of Fire Protection (BFP) Talibon, sumiklab ang sunog sa bahagi ng Sitio Pasil sa Barangay Poblacion.

Tumagal ang sunog ng higit dalawang oras at idineklarang fire out dakong 2:30 ng hapon.

Sinabi ni Auxtero na gawa sa light materials ang higit 200 na bahay sa lugar.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ang sanhi at kung magkano ang pinsala sa sunog.

TAGS: BFP, Bohol, sunog, Talibon, BFP, Bohol, sunog, Talibon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.