LOOK: Dani Barretto, engaged na sa kaniyang boyfriend

Photo credit: Bela Padilla’s Instagram account

Engaged na ang travel blogger na si Daniella Barretto sa kaniyang boyfriend na si Xavi Panlilio.

Ibinahagi ni Kapamilya actress Bela Padilla sa kanyang Instagram account ang mga larawan sa pag-propose at engagement ring ni Dani.

Bago nagtanong si Xavi, pinapanood muna ang social media influencer ng mga video kasama ang kanilang mga larawan.

Maliban kay Bela, masayang ipinakita rin ng mga kapatid ni Dani na sina Julia at Claudia ang engagement ng dalawa.

Read more...