Drug pusher, patay sa buy-bust operation sa Laguna

By Angellic Jordan February 17, 2019 - 04:29 PM

Patay ang isang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa San Pedro, Laguna.

Sa ulat ng San Pedro police, nagpaputok ng baril ang suspek na si Dionisio Corpin alyas “Dodong” matapos matunugang pulis ang katransaksyon dakong 2:40, Linggo ng madaling-araw.

Gumanti ng putok ng baril ang pulisya na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Itinakbo pa sa ospital ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, si Corpin ay kilalang miyembro ng “akyat-bahay” gang na tinutugis sa Muntinlupa City.

TAGS: Dionisio Corpin, drug pusher, san pedro laguna, Dionisio Corpin, drug pusher, san pedro laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.