Sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa likod ng truck ang 12 pasahero nang biglang nawalan ng preno ang drayber dahilan para bumaliktad ito.
Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Sitio Bandila sa Barangay Bonbon bandang 12:30 ng tanghali.
Sa panayam ng Cebu Daily News, sinabi ni Harold Alcotin, chief operations head ng Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office, na apat sa mga sugatan ay nagtamo ng mga sugat at pasa, isa ang napuruhan sa noo habang ang isa naman ay nabali ang siko.
Agad dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng lunas.
Sa ngayon, sinabi ni Alcotin na patuloy pa ring hinihintay ang update sa naturang aksidente.