6 sugatan matapos bumaliktad ang truck sa Cebu City

February 17, 2019 - 03:19 PM

Sugatan ang anim katao matapos bumaliktad ang isang Isuzu Elf truck sa Cebu City, Linggo ng tanghali.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa likod ng truck ang 12 pasahero nang biglang nawalan ng preno ang drayber dahilan para bumaliktad ito.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Sitio Bandila sa Barangay Bonbon bandang 12:30 ng tanghali.

Sa panayam ng Cebu Daily News, sinabi ni Harold Alcotin, chief operations head ng Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office, na apat sa mga sugatan ay nagtamo ng mga sugat at pasa, isa ang napuruhan sa noo habang ang isa naman ay nabali ang siko.

Agad dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng lunas.

Sa ngayon, sinabi ni Alcotin na patuloy pa ring hinihintay ang update sa naturang aksidente.

TAGS: Barangay Bonbon, CCDRRMO, Cebu City, Harold Alcotin, Isuzu elf truck, Barangay Bonbon, CCDRRMO, Cebu City, Harold Alcotin, Isuzu elf truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.