Canada, nagpalabas ng travel advisory sa Haiti
Binalaan ng Canada ang kanilang mga resident hinggil sa pagpunta sa Haiti.
Inilabas ang travel alert matapos ma-stranded ang ilang Canadian tourist dahil sa ikinasang anti-government protest sa isang beachside resort.
Aabot sa 113 Canadian tourist ang naipit sa Royal Decameron Indigo Beach resort dahil sa mga serye ng putukan ng baril at pagsasara ng ilang kalsada.
Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, lubhang nakababahala ang mga protesta sa Haiti.
Pansamantala ring isinara ng Canada ang kanilang embahada sa Port-au Prince sa Haiti.
Sinabi naman ng mga opisyal ng Canada na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Ottawa sa tour operator na Transaat para ligtas na makauwi ang mga naipit na turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.