LOOK: Tom Rodriguez, kasamang nagbakasyon si Carla Abellana at pamilya nito sa Japan

By Angellic Jordan February 17, 2019 - 03:00 PM

Photo credit: Carla Abellana’s Instagram account

Sinamahan ni Tom Rodriguez ang girlfriend na si Carla Abellana sa pagbabakasyon sa Japan.

Nagbakasyon ang Kapuso couple kasama ang pamilya ni Carla sa naturang bansa sa loob ng isang linggo.

Makikita sa mga Instagram post ni Carla ang masayang bakasyon sa Japan.

Ilan sa kanilang mga binisita ay ang Osaka, Kyoto partikular sa bahagi ng Arashiyama Bamboo Forest at sa Biwako Valley para mag-skiing.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Tom at Carla.

Noong October 2018, matatandaang inamin ni Carla na napag-uusapan na nila ni Tom ang pagpapakasal.

TAGS: Carla Abellana, Japan, Tom Rodriguez, Carla Abellana, Japan, Tom Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.