Bumaba ng 66 percent ang mga drug addicts kumpara noong 2017.
At pinakamalaking bumaba sa Mindanao-83 percent, Visayas-71 percent, Metro Manila-67 percent at Balance Luzon-54 percent. Sa mga rural areas, bumaba ito ng 68 percent samantalang sa mga urban areas ay 63 percent.
Sabi ng PNP, patunay itong epektibo ang kanilang anti-illegal drug campaign. Lalo’t bumaba rin ang “crime index” sa lahat ng lugar sa bansa.
Kung ikukumpara noong 2014-2015 ni Pnoy kung saan 401,112 incidents ang total crime volume, ito’y bumagsak sa 212,773 incidents o 46.95 percent mula 2016-2018 o dalawang taon ng Duterte administration. At nitong Enero 2019, sinabi ng PNP na bumagsak pa ng 9.14 percent ang total crime volume sa buong taong 2018 kumpara sa 2017.
Ibig sabihin nito, ang PNP statistics at ang “public perception” ay hindi nagkakalayo. Una, derekta talagang may kinalaman ang “drug addiction” sa maraming krimen. Ikalawa, ang patuloy na pagtugis sa mga “pushers” at “users” hanggang baranggay level ay nagpapakita sa na hindi sila magandang ehemplo kayat umiiwas na ang kabataan sa droga.
Dito sa Metro Manila, nawala na yung mga adik na dating humaharahara sa labasan o sa mga pondohan. Nawala na rin ang lantarang pagtutulak dahil mismong mga kapitbahay ang nagsusuplong sa kanila.
Madugo ang labanan kontra droga, pero napakaraming naliligtas na biktima ng krimen dahil nauubos na ang mga addict at lulong sa bawal na gamot.
===
Sa panahon ng matinding traffic, dagdag pahirap itong mga “parada,” “house to house” at paglilibot ng mga kandidato sa local maging national.
Wala pakundangan kung magsara ng mga “sidestreets”, ni walang barangay traffic o “road marshall” man lamang at pinababayaan na maging “standstill” ang trapiko. Naranasan ko iyan sa Highway 2000 , Taytay, Rizal habang ako’y patungo sa isang kasal sa Antipolo. Hindi ko alam na “piyesta” pala doon, pero ang matindi iyon mismong mga “major roads” nila ang isinara kayat libu-libong motorista sa Pasig at kalapit bayan ang naperwisyo. Ako’y naipit sa loob ng mga sidestreets kung saan one way lang ng dadaaanan.
Nangyari na rin sa akin iyan noon sa Santa Ana, at Tondo, Maynila kung saan halos lahat ng kalye sarado. Sa panahong maraming motorista ang sumusunod sa Waze o kaya’y Google Map, ang biglaang pagsasara ng kalye dahil pulitika o piyesta ay nakakagalit. Nasaaan na ang baraggay official o traffic cops na may mandong siguruhin ang daloy ng trapiko doon?
===
Isasara simula ngayong Sabado. February 23, ang Tandang Sora flyover sa Commonwealth avenue na gigibain para bigyang daan ang MRT-7 rail track, train station at isang elevated guideway.
Magtatayo rin ang MMDA ng dalawang “elevated U-Turn slots” sa Commonwealth ave para sa mga motoristang patungo ng Fairview o Quezon Memorial Circle.
Ayon sa mga planong nakita ko, mawawala ang “apat” na lanes ng gigibaing Tandang Sora Flyover, pero nandyan pa rin ang “eight lanes” papuntang Fairview at ‘seven lanes” patungo sa QC Memorial circle.
Kasama ako sa 100,000 motorista na apektado rito. Sana naman hindi mawala ang 154 MMDA personnel at 100 QC traffic flagmen na itatalaga sa lugar.
(end)