AFP hindi magtataas ng alert level sa kabila ng worldwide alert ng US

By Jay Dones November 25, 2015 - 04:17 AM

 

Inquirer file photo

Walang balak ang Armed Forces of the Philippines na magtaas ng alert level sa kabila ng pagpapalabas ng worldwide travel alert ng Amerika sa kanilang mga citizens.

Giit ni AFP spokesperson Restituto Padilla, ginagawa lamang nila ang pagtataas ng alert level kung may beripikadong banta na kinakaharap ang isang lugar tulad ng Metro Manila.

Sa ngayon aniya, wala namang verified threat silang natatanggap kaya’t walang dahilan upang baguhin nila ang alert level ng buong puwersa ng AFP.

Ang hakbang aniya ng Amerika ay isang ‘unilateral move’ at kanila itong nirerespeto.

Una nang nagpalabas ng ‘worldwide travel alert’ ang Estados Unidos sa kanilang mga citizens matapos ang terror attack sa Paris, France.

Batay sa travel alert, patuloy ang pagplano ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS, Al-Qaeda, Boko Haram at Daesh kaya’t dapat na mag-ingat at manatiling naka-alerto ang mga US citizens saan mang panig ng mundo.

TAGS: AFP, terror alert, US, AFP, terror alert, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.