Isa pang bloke ng cocaine, natagpuan sa Cam Norte

By Isa Avendaño-Umali February 17, 2019 - 12:44 PM

Isa pang bloke ng cocaine ang natagpuan sa Camarines Norte.

Ayon sa PNP-Caraga Region, ang naturang bloke ng cocaine ay nakita sa pampang ng Barangay Bagumbayan, Paracale.

Ito ay may timbang na 989.23 grams at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P5.2 million.

Nauna nang hinimok ng Caraga Police ang mga residente na i-report sa mga otoridad kung may makitang bloke ng cocaine.

Ang bawat isusukong bloke ng cocaine ay may kapalit na isang sako ng bigas.

Ang kampanya ay kasunod ng pagkakadiskubre sa mga bloke ng cocaine sa karagatang sakop ng Siargao at Dinagat Islands.

Batay sa PNP, ang pagpapalutang ng mga bloke ng cocaine ay isang istilo ng mga sindikato ng droga upang maipuslit ang mga kontrabando.

 

 

TAGS: cocaine, cocaine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.