2 Africans, arestado ng BI dahil sa paggamit ng pekeng Canadian visas
Inaresto ng Bureau of Immigration ang dalawang Africans na nagtangkang umalis ng Pilipinas gamit ang mga pekeng Canadian visas.
Kinilala ang mga suspek na si Cameroonian Etienne Makang Nformem at Sudanese Abdelmotalab Idris Himat Mohamed.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, ang dalawa ay patungo sanang Canada, ngunit na nabistong gumagamit ng pekeng Canadian visas.
Si Nformem ay nahuli sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 matapos dumating sa bansa mula Bahrain noong February 9, habang si Mohamed ay inaresto rin sa NAIA habang boarding sa kanyang flight noong February 13.
Ang dalawa ay nakadetine sa BI facility at kapwa nahaharap sa paglabag sa Immigration Act.
Babala naman ni Medina sa iba pang banyaga lalo na ang mga sindikato, itigil na ang kanilang ilegal na gawain dahil ang mga personnel ng BI sa airports ay mga eksperto sa pag-determina sa mga pekeng visa at passports.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.