PNP, ikinalugod ang SWS survey ukol sa mga Pinoy na naniniwalang bumaba ang bilang ng drug users

By Isa Avendaño-Umali February 17, 2019 - 09:49 AM

Ikinalugod ng Philippine National Police o PNP ang resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumabas na 66% ng mga Filipino ang naniniwala na bumaba ang bilang ng drug users sa kanilang komunidad.

Ang nasabing survey ay ginawa ng SWS sa pagitan ng December 16 hanggang 19 taong 2018.

Sa isang statement, sinabi ni PNP Spokesperson Senior Supt. Bernand Banac na ang naturang rating ay patunay na epektibo ang anti-illegal drugs campaign ng administrasyon Duterte, kabilang na aniya ang pagkumbinse sa drug dependents na ihinto na ang paggamit ng ilegal na droga.

Malaki rin aniya ang naitulong ng kampanya sa pagbaba ng kabuuang bilang ng mga krimen sa buong bansa, lalo’t marami sa mga tao ang ramdam na ligtas silang mamuhay, magtrabaho at magnegosyo.

Pagtitiyak ng PNP sa publiko, ani Banac, na patuloy na gagawin ng mga pulis ang kanilang mandato alinsunod sa batas at may pagrespeto sa karapatang pantao.

 

TAGS: PNP, SWS, PNP, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.