TINGNAN: New look ni Cristine Reyes, bet na bet ng fans

Bet na bet ng fans ng Kapamilya actress Cristine Reyes ang bagong hairstyle nito.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Cristine ang kanyang astig na red at shaved hair.

Ang mga litrato ni Cristine, may hashtag na #untrue, na kanyang upcoming movie kasama si Xian Lim.

Pero para sa ilang fans, maaaring nagpagupit si Cristine dahil naka-move on na mula sa paghihiwalay nila ng mister na si Ali Khatibi.

Sa ngayon, bukod sa abala sa kanyang showbiz commitments, naka-focus sa Cristine sa kanyang anak na si Amarah.

 

Read more...