Saudi Arabia, dinipensahan ang kontrobersyal na “women-tracking app”

By Isa Avendaño-Umali February 17, 2019 - 09:07 AM

 

Ipinagtanggol ng Saudi Arabia ang kontorbersyal na mobile application na pinahihintulutan ang mga lalaki na i-track ang kanilang “female relatives” partikular ang mga misis.

Ito’y sa gitna ng mga inaani nitong batikos at panawagan na ihinto na ang app.

Ayon sa Saudi ministry, may mga tangka na gamitin ang isyu ng mobile app sa politika.

Giit ng mga kritiko, ang Absher app, na available sa Android at Apple smartphones, ay nagtutulak ng pang-aabuso sa mga kababaihan lalo’t pinapagayan ang mga kalalakihan na masubaybayan ang bawat galaw nila.

Pero paliwanag ng Saudi ministry, ang app ay para sa lahat ng miyembro ng kanilang lipunan, kabilang na ang mga babae, matatanda at mga taong may “special needs.”

Sa ilalim ng Saudi law, ang mga kababaihan ay dapat na may pahintulot mula sa asawa o lalaking kaanak bago magrenew ng pasaporte o umalis ng kanilang bansa.

Nauna nang umapela si US Senator Ron Wyden at ilang rights groups sa Apple at Google na tanggalin ang app.

 

TAGS: saudi arabia, Women tracking app, saudi arabia, Women tracking app

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.