Tickets para sa “Return of the Rivals,” sold-out
Sold-out ang tickets para sa tinaguriang “Return of the Rivals” na mangyayari na sa Smart Araneta Coliseum mamayang 4:30 ng hapon (February 17).
Sa Return of the Rivals, inaasahang maghaharap ang mga PBA legend na mula sa mga koponang Alaska, San Miguel, Purefoods at Ginebra.
Ang naturang laro ay handog ng PBA at UNTV.
Ang magtutunggali naman ay ang Alaska at San Miguel, para sa isang laro, habang Ginebra versus Purefoods ang isa pa.
Kasama sa line-up ng Alaska sina Jojo Lastimosa, Roehl Gomez, Rodney Santos, Willie Miller, Eddie Laure, Johnny Abarrientos, Bong Hawkins, Kenneth Duremdes, Jeff Cariaso, Earvin Sotto, Poch Juinio, Bogs Adornado, Tony de la Cruz at John Ferriols, sa ilalim ng kanilang coach na si Joel Banal.
Ang team naman ng San Miguel, binubuo nina Denok Miranda, Nic Belasco, Elmer Reyes, Ato Agustin, Dondon Hontiveros, Allan Caidic, Alvin Teng, Danny Ildefonso, Nelson Asaytono, Biboy Ravanes, Benjie Paras, Olsen Racela, Art de la Cruz, Arnold Gamboa, Bong Alvarez, Freddie Abuda at Chris Calaguio, at ang kanilang coach at si Pilo Pumaren.
Sa pangunguna naman ni Coach Robert Jaworski, ang sasabak para sa Ginebra ay sina Bal David, Noli Locsin, Bennet Palad, Leo Isaac, JV Gayoso, Vince Hizon, Marlou Aquino, Jayjay Helterbrand, Joey Loyzaga, Benny Cheng, Rudy Distrito, Wilmer Ong, Romulo Mamaril, Pido Jarencio, EJ Feihl, at Bobby Jose.
At para sa Purefoods, maglalaro sina Bong Ravena, Bonel Balingit, Paul Artadi, Ronnie Magsanoc, Tonyboy Eapinosa, Al Solis, Dindo Pumaren, Glen Capacio, Roger Yap, Alvin Patrimonio, Joey Sta. Maria, Peter Naron, Jerry Codiñera, Richard Yee, Totoy Marquez at Elmer Cabahug, at si Ramon Fernandez ang kanilang coach.
Ang kita mula sa laro ay mapupunta sa PBA Legends Foundation na tumutulong sa mga retiradong miyembro ng PBA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.