Kim Jong Un darating sa Vietnam sa February 25

By Rhommel Balasbas February 17, 2019 - 05:40 AM

AP Photo

Darating sa Vietnam si North Korea leader Kim Jong Un sa February 25.

Ito ay mas maaga ng dalawang araw sa nakatakdang summit ni Kim kasama si US President Donald Trump sa February 27 at 28.

Ito na ang ikalawang pulong ng dalwang lider matapos ang kanilang makasaysayang summit sa Singapore noong June 2018.

Ayon sa foreign media, pagdating sa Hanoi ay makakapulong ni Kim ang ilan sa matataas na opisyal ng Vietnam.

Nakatakda ring bisitahin ng north Korean leader ang manufacturing base ng Bac Ninh at ang bayan ng Hai Phong.

Ang pulong nina Kim at Trump sa Vietnam ay kaugnay pa rin ng gumugulong na negosasyon para sa denuclearization sa Korean Peninsula.

TAGS: denuclearization of Korean Peninsula, donald trump, Kim Jong un, Vietnam Summit, denuclearization of Korean Peninsula, donald trump, Kim Jong un, Vietnam Summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.