PNP: Coastal patrol, palalakasin kasunod ng narekober na cocaine sa dagat

By Len Montaño February 17, 2019 - 03:58 AM

Palalakasin ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang patrulya sa coastal areas sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagka-rekober sa bloke-blokeng cocaine sa karagatang sakop ng bansa gaya sa Dinagat Islands.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, may hakbang na rin ang pulisya para pagbutihin ang kapabilidad ng PNP Maritime Group.

Kabilang ang pagbili ng PNP ng de-motor na mga bangka na gagamitin sa patrulya.

Hindi naman nagbigay si Albayalde ng detalye kung ilan ang bibilhin ng PNP na motorized bancas.

TAGS: coastal waters, cocaine, Dinagat Islands, patrulya, PNP chief Oscar Albayalde, coastal waters, cocaine, Dinagat Islands, patrulya, PNP chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.