Miriam Quiambao, nanganak na

By Rhommel Balasbas February 17, 2019 - 03:44 AM

Ardy Robert Instagram

Isinilang na ng dating TV host at beauty queen na si Miriam Quiambao ang kanyang unang anak sa asawang si Ardy Roberto.

Sa isang Instagram post kaninang hatinggabi, ibinahagi ni Roberto ang larawan niya kasama ang mag-ina.

Ang sanggol ay batang lalaki at pinangalanan nilang Elijah.

Nagpasalamat si Roberto sa lahat nang nagdasal para sa maayos na cesarian delivery ng kanyang asawa.

Sa ngayon anya ay kailangan niyang alagaan ang asawa habang ito ay nagpapagaling.

Puno naman ng pasasalamat si Roberto sa Diyos sa biyayang kanilang natanggap.

Samantala, isa sa mga unang nagpaabot ng pagbati si Coney Reyes para sa mag-asawa.

Itinuturing na miracle baby si Elijah dahil sinubukan ni Quiambao na magbuntis sa loob ng apat na taon.

TAGS: Ardy Roberto, beauty queen, ceasarian, Coney Reyes, Elijah, Miriam Quiambao, TV host, Ardy Roberto, beauty queen, ceasarian, Coney Reyes, Elijah, Miriam Quiambao, TV host

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.