Comelec, idinepensa ang listahan ng lumabag sa campaign posters

Nagbigay ng klaripikasyon ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa kanilang inilabas na listahan ng mga kandidatong may illegal campaign posters sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay matapos umalma ang isang senadora at mga netizens sa listahan kung saan hindi naman makikita ang pangalan ng ilang kandidato na may pinakamaraming posters.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang nasa listahan lamang na inilabas noong Biyernes ay yaong mga residente ng Metro Manila.

Nagmula anya ang memorandum sa Comelec – National Capital Region Regional Office kaya’t ang mga kandidatong nasa listahan ay mga nasa NCR lamang.

Sa isang Facebook post, inalmahan ni Senator Nancy Binay ang listahan dahil wala anya siyang posters at kung sino pa ang kalat ang pagmumukha sa buong bansa ay ‘yun pa ang wala sa listahan.

Sa comments sa post ni Binay, nagtataka ang ilang netizens kung bakit wala ang mga pangalan ng ilang kandidato tulad ni dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Ayon kay Guanzon, dahil naka-base sa Davao si Bong Go, ang Davao election officer ang magpapadala dito ng notice

Read more...