Pilipinas, pasok sa top 5 disaster-prone countries ayon sa UN
Pang-apat ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang malimit na tinatamaan ng mga kalamidad.
Ito ang lumabas sa resulta ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction o UNISDR.
Ayon sa report, una ang Amerika na nakaranas ng 472 disaster o kalamidad sa loob ng 20 taon o sa pagitan ng 1995 at 2015.
Pangalawa ang China na may 441, at pangatlo ang India na may 288 kalamidad na naitala sa loob ng 20 taon.
Ang Pilipinas ay nakapagtala naman ng 274 mga bagyo at iba pang mga natural disaster sa pagitan ng 1995 hanggang 2015 samantalang ang Indonesia ay may record na 163 na bilang ng kalamidad sa kasalukuyan.
Sa naturang talaan, ang mga bagyo ang ang nagdulot ng pinakamatinding pinsala na nagresulta sa pagkamatay ng nasa 242,000.
Sumunod dito ang mga pagbaha at heatwave.
Ayon kay Margareta Walhstrom, pinuno ng UNISDR, ang paghahanap ng posibleng solusyon upang mabawasan ang mga kalamidad dulot ng pagbabago ng panahon at global warming ang magiging tampok sa magaganap na climate change summit sa Paris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.