Pangalan ni Tugade ginagamit sa mga iligal na aktibidad

By Rhommel Balasbas February 17, 2019 - 02:22 AM

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko tungkol sa mga indibidwal na ginagamit ang pangalan ni DOTr Sec. Arthur Tugade sa mga iligal na aktibidad.

Sa isang pahayag araw ng Sabado, sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng ulat na may isang indibidwal na nagpakilalang pinsan ng kalihim sa isang branch ng Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches.

Binalewala umano ng nasabing indibidwal ang pila at ginamit ang pangalan ni Tugade para mapabilis ang proseso ng kanyang mga dokumento.

Ayon sa DOTr, iniimbestigahan na nila ang insidente at nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad para sa kaukulang aksyon laban sa taong na nasa likod nito.

Iginiit ng kagawaran na hindi kinukonsinte ni Tugade ang ‘corrupt practices’ lalo na ang hindi awtorisadong paggamit ng kanyang pangalan.

Mariin umanong kinokondena ng DOTr ang ganitong mga gawain.

Bukod sa pagbabala ay nanawagan ang DOTr sa publiko na i-report sa kanila ang mga kahina-hinalang aktibidad o indibidwal kung saan nagagamit ang pangalan ni Tugade o sinumang opisyal ng kagawaran.

TAGS: dotr, DOTr Sec. Arthur Tugade, lto, pangalan, dotr, DOTr Sec. Arthur Tugade, lto, pangalan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.