Mag live-in partner, arestado sa online child pornography sa Taguig
Nailigtas ang siyam na biktima ng online child pornography sa operasyon sa Taguig City Sabado ng hapon.
Naaresto sa operasyon ang mag live-in partner na hindi inilabas ng pulisya ang pagka-kilanlan.
Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, inaresto ang mag live-in matapos makakuha ng sapat na ebidensya kasunod ng tip mula sa US Homeland Security Investigation and International Justice Mission.
Unang nailigtas ang 6 na biktima sa Barangay Calzada na sinundan ng rescue sa 3 iba pa sa follow-up operation sa Barangay Tuktukan.
Karamihan sa mga biktima ay edad 5 hanggang 15 anyos pero isang 1 taong gulang na batang babae ang pinakabatang biktima.
Ayon sa pulisya, ang 2 sa mga biktima ay mga anak mismo ng babaeng suspek habang ang isa pa ay apo nito.
Nasa pagitan ng P2,000 at P5,000 ang bayad ng mga kliyente mula Amerika at Europe para sa live stream ng ginagawang kalaswaan ng lalaking suspek at mga menor de edad na biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.