Lalaki natagpuang patay sa isang sasakyan sa Caloocan

By Rhommel Balasbas February 17, 2019 - 01:12 AM

Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki sa isang inabandonang SUV sa isang bakanteng lote sa Brgy.117, Caloocan City, araw ng Sabado.

Ayon kay Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel, walang nakitang external wounds gaya ng tama ng bala o sasak sa katawan ng biktima maliban sa isang sugat sa tagiliran nito.

Mayroong anyang karatula sa loob ng sasakyan kung saan nakasulat ang ‘Huwag tularan, pusher ng Phase 12.’

Sa pagtaya ng pulisya, nasa 50 anyos ang lalaki.

Biyernes nang gabi ay nakita ng mga residente sa baranggay na ipinarada ang sasakyan sa madilim na bahagi ng kalsada.

May lalaki umanong bumaba mula rito na nakasuot ng puting t-shirt, maong pants at sombrero.

Nagtaka ang mga residente dahil nakita pa nila ang sasakyan kinabukasan kaya’t sinilip na nila ang laman nito at dito tumambad ang bangkay ng biktima.

Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa suspek na nagparada sa SUV.

TAGS: caloocan, huwag tularan, inabandona, pusher, suv, caloocan, huwag tularan, inabandona, pusher, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.