Comelec: Imprenta ng mga balota para sa overseas voting, tapos na

By Len Montaño February 17, 2019 - 12:30 AM

File photo

Naimprenta na ang mga balotang gagamitin sa overseas voting para sa eleksyon sa Mayo.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), tapos na ang imprenta ng halos 1 milyong balota na gagamitin sa overseas voting sa April 1 o isang buwan bago ang mid-term elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na mas maikli ang balota para sa overseas voting dahil ang tanging nakalagay ay mga pangalan lamang ng mga kandidatong senador at party-list groups.

Patuloy naman anya ang imprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan sa May 13.

Ang mga balota para sa Mindanao ang iniimprenta na ngayon ng National Printing Office (NPO).

Dagdag ni Jimenez, patuloy din ang testing sa vote counting machines (VCM) at sa huling linggo ng Abril ang deadline na maipadala ang mga makina sa mga probinsya kung saan uunahin ang rehiyon ng Mindanao.

Samantala, hinihintay ng ahensya ang rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) kung madadagdagan ang mga lugar na nasa Comelec control.

Una nang inilagay sa Comelec control ang Daraga, Albay at Cotabato City.

TAGS: balota, comelec, Comelec control, Comelec spokesperson James Jimenez, National Printing Office, overseas voting, balota, comelec, Comelec control, Comelec spokesperson James Jimenez, National Printing Office, overseas voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.