Revilla, ipinababasura ang hirit ng Ombudsman na ibalik niya ang P124.5M

By Len Montaño February 16, 2019 - 11:42 PM

Hiniling ni dating Senador Bong Revilla na ibasura ang mosyon ng Office of the Ombudsman na ibalik nito ang P124.5 milyong halaga ng civil liability kaugnay ng kanyang kasong plunder.

Sa kanyang oposisyon na inihain sa Sandiganbayan First Division, hiniling ni Revilla na ibasura ang “Motion for Execution of Judgement” ng prosekusyon na may petsang January 23, 2019 dahil umano sa kawalan ng merito.

Inihain ng Ombudsman ang mosyon para obligahin si Revilla at mga kapwa-akusado nitong sina Richard Cambe at Janet Lim-Napoles na ibalik sa National Treasury ang naturang halaga kahit naabswelto na ang dating senador sa kasong pandarambong.

Argumento ng kampo ni Revilla, malinaw na nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan na walang umiiral na may civil liability ang dating mambabatas sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.

Binanggit din sa oposisyon ng dating senador ang ruling ng anti-graft court na walang direkta o hindi direktang tumanggap si Revilla ng rebate, commission at kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) kaya wala umano itong dapat ibalik na pera sa gobyerno.

TAGS: Bong Revilla, civil liability, janet lim-napoles, ombudsman, P124.5 milyon, PDAF, plunder, pork barrel scam, Richard Cambe, sandiganbayan, Bong Revilla, civil liability, janet lim-napoles, ombudsman, P124.5 milyon, PDAF, plunder, pork barrel scam, Richard Cambe, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.