Lady Bulldogs rookie Cagande, nagtamo ng injury sa laban kontra UP

By Len Montaño February 16, 2019 - 10:51 PM

Credit: Tristan Tamayo, Inquirer.net

Naging masaklap ang simula ng kampanya ng National University sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Ito ay matapos na magtamo ng injury sa tuhod ang rookie setter ng Lady Bulldogs na si Joyme Cagande.

Bukod sa injury ay natalo ang koponan ni Cagande sa University of the Philippines sa score na 22-25, 25-19, 25-19, 25-12.

Nakabungguan ni Cagande si Roselyn Doria sa huling bahagi ng third set kung saan natamo nito ang sprained lateral collateral ligament sa kanyang kaliwang tuhod.

Agad namang pinawi ni NU head coach Norman Miguel ang pangamba ng major injury para sa batang player pero hindi muna maglalaro si Cagande sa susunod na laro ng team.

Dahil hindi muna makakapaglaro si Cagande ay iniatang ang pagiging team setter kay Klymince Orillaneda na nasama lamang sa lineup ng Lady Bulldogs mula ng magkaroon ng 10 players ang koponan.

TAGS: injured, Joyme Cagande, Klymince Orillaneda, Lady Bulldogs, NU head coach Norman Miguel, Roselyn Doria, UAAP, UAAP Season 81 women’s volleyball tournament., University of the Philippines, injured, Joyme Cagande, Klymince Orillaneda, Lady Bulldogs, NU head coach Norman Miguel, Roselyn Doria, UAAP, UAAP Season 81 women’s volleyball tournament., University of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.