Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa susunod na linggo

Inquirer file photo

(Update) Isa na namang oil price hike ang naghihintay sa mga motorista sa susunod na linggo.

Sinabi ng ilang oil industry insider na maglalaro sa pagitan ng P0.50 hanggang P0.60 ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ang presyo naman ng kada litro ng gasolina ay madadagdagan ng P0.40 hanggang P0.50 bukod pa sa pagtaas ng presyo ethanol na hinahalo rito.

Ang ethanol ay tinatayang tumaas ng P0.25 hanggang P0.50 kada litro.

Samantala, ang kerosene ay magmamahal din sa P0.30 hanggang 0.40 kada litro.

Sa Martes ng umaga ipatutupad ang panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad rin ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Sa record ng Department of Energy ang presyo ng diesel ay naglalaro sa pagitan ng P39.74 hanggang P44.84 bawat litro samantalang ang gasolina naman ay mula P45.95 hanggang P56.45 kada litro.

Read more...