Vice gubernatorial candidate sa Ilocos Norte patay dahil sa heart attack

By Den Macaranas February 16, 2019 - 03:18 PM

Namatay makaraang atakehin sa puso si Ilocos Norte Provincial Board Member Mariano Marcos II.

Si Marcos na kandidato rin sa pagka-bise gobernador sa susunod na eleksyon ay namatay habang hinihintay ang kanyang sasakyang eroplano sa Laoag International Airport patungong Maynila.

Sinasabing nasa loob ng comfort room ang biktima nang ito ay bumagsak sa sahig kung saan ay kaagad siyang isinugod sa laoag City General Hospital at doon ay idineklara siyang dead-on-arrival.

Sa kanilang advisory, sinabi ng tanggapan ng 62-anyos na si Marcos na cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima.

Si Marcos ay pamangkin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at anak siya ni Pacifico Marcos na nakababatang kapatid ng dating strongman.

Naulila niya ang kanyang misis na si Cecilia Araneta at tatlong mga anak.

TAGS: Board Member, heart attack, ilocos norter, mariano marcos II, vice gubernatorial candidate, Board Member, heart attack, ilocos norter, mariano marcos II, vice gubernatorial candidate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.