2 bumbero, isang retired na pulis patay sa aksidente sa Quezon
Tatlo ang patay at pito ang sugatan sa karambola ng tatlong pampasaherong sasakyan sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Quezon Provincial Police Office Director Ssupt.. Osmundo De Guzman, nasawi sina FO3 Ronaldo Alcala at sina SFO2 Cleto Nataño at retired Police Insp. Juanito Untiveros.
Sugatan naman sina Roderick Odi, isang personnel ng Bureau of Fire Protection, Reynold Talain, Aimee Lerum, Marlex Mendegorin, Dandy Severa, Ariel Cris Principe at Lenon Earl Tagulinao na pawang sakay ng pampasaherong bus.
Agad naman silang isinugod sa Magsaysay Memorial District Hospital upang magamot.
Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ni P01 Rafael Pintano ng Lopez Municipal Police Office, nasa Maharlika Highway patungo sa direksyon ng Bicol region ang Mitsubishi Adventure na sinasakyan ngmga nasawing biktima nang subukang mag-overtake pero hindi na nakabalik sa linya kaya sumalpok ang kasalubong na Transport bus na minamaneho naman ni Julio Mayores.
Sinubukan pang iwasan ng driver ng bus ang nasabing AUV pero hindi na kinaya na naging dahilan ng banggaan.
Lumalabas rin sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad kapwa umano mabilis ang takbo ng Mitusbishi Adventure at bus.
Nahaharap naman ang mga sangkot na driver sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injury and damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.