Cimatu nagpatulong sa mga kapwa cavalier sa PMA sa Manila Bay rehab project

By Den Macaranas February 16, 2019 - 02:26 PM

Inquirer file photo

Humingi ng tulong sa kanyang mga kapwa graduate sa Philippine Military Acacemy (PMA) si Environment Sec. Roy Cimatu para sa rehabilistasyon ng Manila Bay.

Si Cimatu ang guest of honor sa alumni homecoming PMA ngayong araw sa Baguio City.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Cimatu na sa pamamagitan ng political will ay naging matagumpay ang rehabilitasyon sa Boracay Island at pwede rin umanong maulit ito sa Manila Bay.

Idinagdag pa ng opisyal na mas magiging madali ang kanilang bagong misyon kung tutulong dito ang kanyang mga kapwa nagtapos sa premier military schoool sa bansa.

Sinabi rin ni Cimatu na miyembro ng PMA Class of 1970 na malaki ang kanyang tiwala sa mga kapwa cavalier na hindi siya bibiguin ng mga ito sa kanyang pakiusap.

Umabot naman sa 6,000 alumni ang dumalo sa taunang event sa Fort Del Pilar kung saan nanguna si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa mga binigyan ng parangal.

TAGS: Alumni Homecoming, baguio city, cimatu, Manila Bay, PMA, rehabilitation, Alumni Homecoming, baguio city, cimatu, Manila Bay, PMA, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.