WHO: 2.6 milyong mga bata posibleng mahawa sa tigdas
Posibleng umakyat pa sa 2.6 million katao ang posibleng mahawa sa tigdas ayon sa babala ng World Health Organization (WHO).
Sa ulat ng ni WHO technical officer Maricel Castro, malaki ang posibilidad na magkatigdas ang mga batanang may edad limang taon pababa na hindi nabigyan ng tamang bakuna.
Lumitaw rin sa pag-aaral ng WHO na maraming mga bata ang hindi nabigyan ng bakuna dahil sa takot ng ilang mga magulang sa posibleng epekto nito sa kanilang mga anak.
Isa sa mga posibleng dahilan nito ay ang Dengvaxia vaccine at ang kontrobersiya na kasunod nito.
Sa tala ng Department of Health, umaabot na sa 4,000 mga bata ang nagkaroon ng tigdas sa bansa at 70 naman ang napaulat na namatay dahil sa kumplikasyon na dulot nito.
Ang DOH ay naglunsad na rin ng malawakang meales vaccine information drive kung saan ay pinangunahan ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
`
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.