Lima patay marami sugatan sa random shooting sa Aurora, Illinois
Lima na ang naitalang patay samantalang marami ang sugatan sa naganap na pamamaril ng isang lalaki sa isang industrial building sa Aurora, Illinois sa US.
Hawak na rin ng mga pulis ang nasabing suspek na hindi muna nila pinangalanan habang nagpapatuloy ng imbestigasyon.
Naganap ang pamamaril sa 641 Archer Avenue pasado alas-dos ng hapon kung saan ay isinara nila ang buong lansangan sa daloy ng trapiko bago nahuli ang nasabing active shooter.
Ang Aurora City ay may layong 80 kilometers sa Chicago at isinailalim sa lock down kahit nahuli na ang suspek sa krimen dahil sa pangambang mayroon pa itong mga kasamahan sa lugar.
Sa panayam ng media, sinabi ni Illinois Fraternal Order of Police State Lodge President Chris Southwood, kanyang inamin na kabilang sa maraming sugatan ay apat na miyembro ng pulisya sa lugar.
Karamihan sa mga sugatan sa pamamaril ay dinala sa Rush Copley Medical Center sa Aurora pero hindi naman kritikal ang kanilang kalagayan ayon kay hospital spokeswoman Courtney Satlak.
Sinabi naman ni US President Donald Trump spokesperso Sarah Sanders na alam na rin ng pangulo ang naganap na pamamaril at ipinag-utos niya ang malalimang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.