Katy Perry at Orlando Bloom engaged na

Sa instagram post ni Katy Perry sa araw ng mga puso, ibinahagi ng pop star ang isang larawang kasama si Bloom at proud na ipinakita ang kaniyang engagement ring.

Ang post ni Katy ay may caption na : “Full Bloom” at mayroon nang higit 1.5 million likes.

Nagpost din ng kaparehong litrato si Bloom sa kaniyang Instagram account, at ang caption naman ng kaniya ay : ” Lifetimes”.

Si Katy at Orlando ay nagsimula sa kanilang dating relationship noong 2016.

Ang dalawa ay parehong ikinasal na sa magkaibang tao noon.

Si Katty ay kasal sa komedyanteng si Russel Brand at naghiwalay noong 2012.

Si Bloom naman ay kasal sa Australian supermodel na si Miranda Kerr noong 2010, at naghiwalay noong 2013.

Read more...